Tapos na ang kritikal na panahon sa COVID-19 Omicron subvariant XBB.1.16 o “Arcturus” wave sa bansa.
Ito ang inianunsiyo ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante pero dapat umanong maging mapagmatyag ang mga tao dahil may pito pang ibang variants Ang minomonitor sa ngayon ng World Health Organization (WHO).
“‘Yung nakikita natin, trending downward ang positivity rate, at nakita rin naman natin sa mga ospital na bumaba na rin ‘yung hospitalization rate So, I think we’re past that critical stage of the Arcturus,” ayon kay Solante.
Unang Sinabi ng OCTA Research Group na bumababa na ang COVID-19 positivity rate sa karamihan ng lalawigan saLuzon at National Capital Region (NCR).
Base sa website ng WHO kabilang sa mga variants na minomonitor ng WHO hanggang noong Mayo 17,ang BA.2.75, CH.1.1, BQ.1, XBB, XBB.1.9.1, XBB.1.9.2, at XBB.2.3.
Kaugnay nito, umaasa si Solante na mas marami pang bivalent. Vaccines ang darating sa bansa para mabigyan ng proteksiyon laban sa original COVID-19 strain, SARS-CoV-2, at Omicron subvariants BA.4 at BA.5.
“Nakikita natin ngayon na ang nao-ospital ay ‘yung elderly population and hindi tayo dapat maging kampante. Siguro ang importante dito, we will prioritize this limited number of vaccinations pero sana madagdagdan pa,” dagdag pa ni Solante.
Nalaman na may 390,000.doses ng bivalent vaccines mula sa Lithuania Ang dumating na sa bansa.