MALUGOD na tinanggap ng Department of National Defense ang pagkakahirang ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., kay Lieutenant General Bartolome Vicente “Bob” O. Bacarro bilang 58th Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Defense Officer-in-Charge (OIC) Jose Faustino, Jr. “Ang paghirang kay Tenyente Heneral Bacarro bilang Chief of Staff ay magandang pahiwatig para sa AFP .’
Si General Bacarro ang magiging unang pangunahing opisyal na itinalaga sa ilalim ng Republic Act No. 11709 (RA 11709), na nagkabisa noong Hulyo 1, 2022 at nag-atas, bukod sa iba pa, ng fixed tour of duty ng tatlong (3) taon para sa Chief of Staff at iba pang mga opisyal na may hawak na mahahalagang posisyon.
Naniniwala ang Defense Department na maisusulong ni Bacarro ang mga pagbabago sa Sandatahang Lakas sa ilalim ng kanyang pamumuno dahil binigyan siya ng mas mahabang panahon para ipatupad ang mga reporma at i-institutionalize ang mga patakaran na magreresulta ng malaking pakinabang sa buong military organisasyon,” sabi ni Faustino.
“As mandated by RA 11709, General Bacarro will be accorded a fixed term of three years as AFP Chief of Staff,” dagdag ni Faustino.
Si Bacarro ay kasalukuyang commanding officer ng AFP Southern Luzon Command at nagsilbi rin bilang commander ng 2nd Infantry Division at 502nd Infantry Brigade ng 5th Infantry Division.
Noong 1991, ginawaran si Bacarro ng Medal of Valor, ang pinakamataas na parangal para sa labanan sa AFP, para sa kanyang katapangan sa 10-oras na engkwentro sa 150-armadong rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Maconacon, Isabela noong nakaraang taon.
Papalitan ni Bacarro ang kanyang ka-klase sa Philippine Military Academy (PMA) “Maringal Class of 1988; ang 57th AFP chief of staff General Andres C. Centino, na nakatakda ilagay sa isang bagong pwesto sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
“Ipinaaabot din namin ang aming lubos na pasasalamat kay Heneral Andres C. Centino, at malugod siyang binabati sa kanyang pagsisimula para sa isang bagong kabanata ng kanyang karera,” ani Faustino.
“The change of command for the new AFP chief of staff will be on August 8. This will give time for Gen. Bacarro to wind down at the SOLCOM and provide him with the transition to his new position in Camp Aguinaldo,” ayon sa inilbas na pahayag ng Malcañang. (VICTOR BALDEMOR)














