Latest News

Apela ng tatlong BI officials na isuspinde ang paglipat sa NBP, di pinayagan ng SC

Tinanggihan ng Supreme Court (SC), ang apela ng tatlong dating opisyal ng Bureau of Immigration(BI) na suspendihin ang paglilipat sa kanila sa New Bilibid Prison (NBP).at payagan na manatili silang naka-detine sa Camp Bagong Diwa.

Sa.walong- pahinang resolusyon ng SC ,ibinasura ng SC ang apela nila dating Immigration commissioners Al Argosino at Michael Robles at retired police officer Wenceslao Sombrero Jr., dahil ikinukunsidera silang mga national inmates.


Ang tatlo ay nahatulan ng reclusion perpetua dahil sa kasong plunder at pagkabilanggo ng 6 nataon at isang buwan hanggang 10 taon sa kasong paglabag sa Section 3(e) of RA 3019.

“Being national prisoners, the Sandiganbayan was correct in ordering the transfer of accused-appellants from the MMDJ, a local jail, to the NBP in Muntinlupa City,” ayon sa SC

Sa ginanap na promulgasyon, hiniling ng tatlo na manatili sila sa Metro Manila District Jail (MMDJ) sa Camp Bagong Diwa, dahil banta sa kanilang kalusugan ang COVID-19 surge sanhi ng Delta variant.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like

Most Read