SINAMPAHAN na ng kaso sa Department of Justice (DOJ) ng National Bureau of Investigation(NBI) at ng Pasig Social Welfare Department ,ang apat na katao,kabilang ang nanay ni Baby Miracle kaugnay aa nangyaring bentahan sa bata noong Marso 3,2022 sa isang fastfood sa Quezon City.
Nahaharap sa kasong kidnapping, paglabag sa RA 7610 kilala bilang Special Protection against children,abuse,exploitation and discrimjnation and for other purposes at paglabag sa RA 9208 kilala bilang anti trafficking in person Act of 2003 as ammended as ammended by RA 10364, sina Imelda Malibiran at ang Nigerian partner nito na si Ifeanyi Okoro alyas Maxwell Bright,kapwa taga Brgy Gatid,Sta.Cruz,Laguna; Kristine Joyce Esdrelon, taga 24 Int.3 Mendez Road ,Baesa,QC; at Rosemarie Guttierez,ina ng bata at taga 27 Summerville,Illinois St,Nagpayong,Pinagbuhatan,Pasig.
Una nang nasagip nina Atty .Janet Francisco,hepe ng NBI-Human Trafficking Division si Baby Miracle at naaresto si Malibiran at partner nitong Nigerian sa isinagawang operasyon.
Itinanggi ni Mabiliran na binili niya ang bata at ito ay ibinigay lamang sa kanya ng isang nurse.
Nadiskubre rin na overstaying foreigner na sa Pilipinas si Bright at iniimbestigahan sa posibleng pagkakasangkot sa sindikato ng child trafficking.
Nabatid na ang kaso.ni Baby Miracle ay nag viral matapos na umapela ang nanay nito sa bumili sa kanyang anak na nakahanda siyang ibalik ang P45,000 sa kanyang buyer.
Inamin naman ng 22 anyos nanay ni Miracle na nagawa lamang niya iyon dahil sa stress matapos na malulong sa on line sabong.
Hindi naman alam ng ama ng sanggol na si Anthony na lulong sa e-sabong ang kinakasama.
“Marami kaming ginawa, Kabayan, we cannot disclose because this is a strategy of the law enforcers,” ayon kay Francisco bago nagpasalamat sa barangay Baesa at local government ng Pasig, Jollibee, 9-star Transport, local banks, at iba pang ahensiya ng gobyerno.
Malaki din umanong tulong ang impormasyon na ibinigay ng taxi driver para ma trace kung nasaan ang bata at impormasyon binigay ng mga bangko.
Sinabi pa ni Anthony na nakipag ugnayan sa kanya ang bumili sa bata at nakahanda umano nitong ibalik ang sanggol at siya umano ay nasa Calamba,Laguna.
Nakita umano ng mga awtoridad ang bahay at binuntutan ito hanggang siya ay maaresto sa Sta Cruz,Laguna at nasa kanya ang bata na noon ay hawqk ni Bright.
Ang bata ay nasa kustodiya ngayon ng Pasig Social Welfare Department.