Latest News

Apat, patay sa matinding dehydration sa diarrhea

Nasawi ang apat na katao dahil sa matinding dehydration na dala ng diarrhea sa isang barangay sa General Nakar,Quezon.

Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), ang mga nasawi ay pawang kabilang sa Tribung Dumagat.

Nabatid sa DOH na ang posibleng sanhi ng diarrhea ay ang kontaminadong tubig na ininom mula sa well o balon.


Nalaman na 33 kaso na ng diarrhea ang naitala ng DOH Regional Health Unit of General Nakar .

Kaugnay nito, dalawang kaso pa ng pagkamatay ang iniimbistigahan ng DOH para malaman kung sa diarrhea namatay ang mga ito.

Samantala, ang Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) ng DOH-Calabarzon ay nagsagawa na ng surveillance mission kaugnay sa outbreak ng diarrhea sa lugar.

Pinayuhan naman ng DOH ang publiko na pakuluang mabuti ang iniinom nilang tubig para makaiwas sa diarrhea. (Jantzen Tan)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read