Latest News

APAT, PATAY SA DALAWANG TRYCYCLE

PATAY ang apat na katao, kabilang ang isang anim na taong gulang na bata, nang salpukin ng truck ang kasalubong na tricycle na tumama naman sa isa pang tricycle sa Pagbilao, Quezon ngayong Miyerkoles.

Ayon sa inisyal na ulat, naganap ang sakuna bandang alas-9 ng umaga sa kahabaan ng national highway sakop ng Barangay Ikirin sa bayan ng Pagbilao.


Lumitaw sa pagsisiyasat na tinatahak ng Isuzu elf truck na minamaneho ni Rafael Jovinal ang may pakurbadang bahagi ng highway nang masalpok nito ang tricycle na minamaneho naman ni Teodoro Balitaan, habang lulan ang dalawang pasahero.

Sa bilis ng takbo at lakas ng impact ay tumalsik ang tricycle at nadamay pa ang isang tricycle na hindi pa nakikilala ang driver at dalawa ring pasahero nito.

Naitakbo ang mga biktima sa ospital pero binawian ng buhay ang apat sa kanila, kabilang ang isang 6-anyos na bata. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Pagbilao, Quezon

You May Also Like