APAT NA NPA, PATAY
APAT na kasapi ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa panibagong sagupaan sa bayan ng San Jose at Wilben sa Sergio Osmeña, Zamboanga Del Norte, ayon sa ulat ng Philippine Army.
Isa sa mga rebeldeng napaslang ay kinilalang si Charlie Hintapa, alias Esik/Andot, team leader ng guerilla front Sendong.
Tatlo pang kasapi ng GF Sendong na napatay ay kinilalang sina Maria Luz Ranan aka Hill/Mona, Jerome Lobo Albios aka Larry/Lomer, at Mary Ann Nabicis aka Bianca/Richel.
Sa nasabing encounters, nabawi ng government troops ang isang MK 2 grenade, cellphone, spent shells of 5.56mm, 5.56mm M4 rifle at personal belongings.
Napag-alaman na nakasagupa ng mga rebeldeng Communist Party of the Philippines ang tropa ng 97th Infantry Battalion, 53rd Infantry Battalion at 106th Infantry Battalion na nasa ilalim ng 102nd Infantry Brigade, 1st Infantry Division ng Philippine Army .
Samantala, inihayag ng Philippine Army na natukoy na nila ang identities ng pito sa sampung pinaniniwalaang mga kasapi ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) na kinabibilangan ng mag-asawang kapwa official ng kilusan na unang napaslang ng military aerial at ground offensives sa Malaybalay City, Bukidnon, noong madaling araw ng Pasko.
Sinabi ni 4ID,Philippine Army spokesperson Maj. Francisco Garello, Jr. na kinilala ang mag-asawa na sina Beverly Sinunta alyas Ayang na tumatayong secretary at Alfredo Banawan alyas Alab na nagsilbi ring deputy secretary ng Sub-Regional Committee-2 (SRC2), Headquarters Loader and Regional Sentro De Gravidad (RSDG) Compaq na lahat sakop ng North Central Mindanao Regional Committee.
Maliban sa mag-asawang CPP-NPA officials, kabilang rin sa nasawi ang kanilang anak na si Chenchen Banawan alyas Pao na lahat ay nagmula sa Sitio Trukat,Barangay Cawayan,Quezon,Bukidnon.
Tinukoy rin ng dating mga NPA rebels ang ibang nasawi na sina Penita Singaman alyas Pening,Bebot Solinay; Aurellio Gonsalez na lahat taga-Bukidnon at isang Loue na nagmula naman sa Agusan province.