APAT na miyembro ng communist New Peoples Army ang napatay ng militar sa kanilang huling sagupaan sa Negros Occidental na nag resulta sa pagkakabawi sa anim na mataas na kalibre ng baril, ayon sa taga pagsalita ang Armed Forces of the Philippine sa lalawigan ng Negros Occidental.
Sa ibinigay na pahayag ni AFP Public Affair Office chief Col Jorry Baclor nasabat ng mga tauhan ng Philippine Army, 94th Infantry Battalion ang isang pulutong ng a communist terrorist group sa lungsod ng Himamaylan ng nabangit na probinsiya.
Una rito nagsumbong ang ilang residente sa mga sundalo hinggil sa may 20 armadong kalalakihan na nagsasagawa ng kanilang extortion activities sa Barangay Carabalan .
Kaya ipinag utos ang paglulunsad ng isang combat operations laban sa communist terrorists group na agad na nauwi sa sagupaan na ikinamatay ng 4 na rebelled.
Nabawi sa Encounter site ang dalawang M16 Armalite rifles, 2 M203 grenade launchers, at dalawang 2 AK47 assault rifles.
Pinapurihan naman ni BGen Marion R Sison PA, commander ng 3rd Infantry Division na siyang may saklaw sa lugar ang magandang ugnayan ng mga sundalo at mga residente kasabay ng panawagan na sana ay sumuko na ang mga nalalabing NPA sa kanyang nasasakupan .
“We will not allow you to continue harming our people. Expect relentless and intensified military operations in the coming days and weeks, for we are determined to protect Negrenses from your atrocities.”
“ Despite this, we are still offering you peace to start a new life with your family, but if you insist on doing terrorism, we can be your worst nightmare,” pahayag pa ni BGen Sison. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)