APAT NA NAMATAY SA CESSNA PLANE CRASH SA MT MAYON NAIBABA NA

KASALUKUYAN nang inaayos ng mga awtoridad ang labi ng apat na pasahero ng bumagsak na Cessna 340 plane sa Mt Mayon matapos na tuluyan na silang naibaba mula sa gilid ng bulkan kahapon ng umaga.

Kinumpirma ni Camalig, Albay Mayor Carlos Baldo at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office na naibaba kahapon ng madaling araw ang ika apat na bangkay , halos dalawang linggo matapos ang sakuna .


Sa isang pulong balitaan kinumpirma ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesperson Eric Apolonio na pinoproseso na ng PNP at Scene of the Crime Operatives ang mga bangkay ng dalawang Australian nationals, at dalawang piloto.

“Sa impormasyon po ng mayor ng Camalig, kaninang umaga (kahapon) naibaba na lahat, for process na po iyong mga cadaver,” pahayag ni Apolonio.

Nabatid na nuong isang linggo pa nakuha ang mga bangkay mula sa wreckage ng eroplano sa gilid ng bulkan sakop ng permanent danger zone subalit pahirapan ang ginawang pagbaba sa mga bangkay sa Mayon Volcano base camp hanggang sa maihatid sa bayan ng Camalig, Albay kahapon.


Samantala, patuloy pa ding hinahanap ang nawawalang Cessna Plane na may anim na sakay sa Isabela. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Civil Aviation Authority of the Philippines [CAAP] spokesperson Eric Apolonio

You May Also Like