APAT NA ‘MALETA BOYS,’ KUMAMBIYO NA

By: Jerry S. Tan

Binawi ng apat sa 18 tinaguriang ‘maleta boys’ ang una nilang deklarasyon na nag-deliver sila ng male-maletang flood control kickback na pera kina President Ferdinand Marcos, Jr., at former House Speaker Martin Romualdez.

Sa isang interview sa television station GMA, sinabi ng apat, na pawang naka-jacket, bullcap at facemask para maitago ang kanilang mga mukha, na pinangakuan sila ng pinansiyal na tulong kapalit ng mga testimonya na hindi umano totoo.


Ayon sa kanila, hindi rin sila ang gumawa ng mga affidavit nila at pumayag lang dahil sa tulong na ibibigay kung saan di na umano sila kailangang magtrabaho sa loob ng dalawang taon.

Sa pagkambiyo ng apat na nagsabing sila ay dating bodyguards ng puganteng si Rep. Zaldy Co, pumirma sila ng bagong statements at natatakot umano sila para sa seguridad ng kanilang pamilya dahil sa dami ng kasong kinakaharap nila.

Ang kanilang mga principal backers na sina Senator Rodante Marcoleta at dating Congressman Mike Defensor ay kapwa nahaharap sa kasong plunder na walang piyansa.


Tags: Jr., PRESIDENT Ferdinand Marcos

You May Also Like

Latest News