Apat na lalaki, dinakip ng NBI sa pagbebenta ng GCash account

By: Baby Cuevas

Arestado sa mga ahente ng National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD) ang apat na indibiduwal dahil sa Illegal na pagbebenta ng GCash account online sa isinagawang serye ng operasyon sa Bulacan, Pasay at Maynila.

Kinilala ng NBI-CCD ang mga naaresto na sina Raul Malabon, Jerrica Sarmiento, Matthew Daniel Torres at Alexis Alviento.


Isinagawa ng NBI-CCD ang serye ng operasyon matapos nakatanggap ng impormasyon na ilang indibiduwal ang sangkot sa laganap na bentahan ng GCash account sa pamamagitan ng Facebook.

Sa isinagawang online surveillance, nalaman na ang Facebook accounts na “Principe Larjay”, “Jerrica Sarmiento”, “Francis Lucas”, at “Sixela Alviento” ay nagbebenta ng GCash account.

Ikinasa ng NBI-CCD ang mga entrapment operation at noong Mayo 22, 2023, nagpunta ang mga ahente sa San Jose Del Monte, Bulacan at naaresto si Malabon na nasa likod ng Facebook account “Principe Larjay” at si Sarmiento na nasa likod naman ng FB account na “Jerrica Sarmiento”.


Noong Mayo 23, 2023, naaresto naman sa Pasay City si Torres at nasa likod ng FB account na “Francis Lucas” at si Alviento naman ay na nasa likod ng FB account na “Sixela Alviento” na naaresto sa Maynila.

Ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 8484 (Access Devices Regulations Act of 1998) in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).


Tags: National Bureau of Investigation – Cybercrime Division (NBI-CCD)

You May Also Like