By: JANTEN ALVIN
APAT na kalalakihan ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation -National Capital Region (NBI-NCR) sa Paranaque City, dahil sa iligal na pagbebenta ng mga high-powered firearms.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kabilang sa mga naaresto sina Jerome Nuyque,Maximo Ayawon, Michael Douglas Loleng at Nilo Barnacha.
Sinabi ni Santiago na nakatanggap sila ng ulat kaugnay sa isang grupo na iligal na nagbebenta ng mga high-powered firearms sa National Capital Region ( NCR) at mga karatig na lugar.
Kaagad na nagkasa ang NBI-NCR ng entrapment operation noong Nobyembre 28,2024 sa Asiana Square, Parañaque City, kung saan dalawang M14 Cal. 5.56 rifles ang binili ng poseur-buyer sa halagang P290,000.00 sa mga suspek.
Bukod sa 2 M14 caliber 5.56 rifles, nakumpiska rin sa mga suspek ang isang Daniel Defense M4 Carbine Cal. 5.56mm with SN 527520; isang Bushmaster Cal. 5.56mm model xm15-E2S SN L548760; apat na 5.56mm magazines; 20 Bala ng cal. 5.56mm; isang black rifle tactical bag; marked money na 2 1000 peso bills ,1 Shooters Cal. 45 pistol na mag SN M04184865; 12 Cal. 45 live ammunitions; 1 CZ pistol Cal. 6.35 browning; at 6 na 6.35mm live ammunition.
Sinampahan ng kasong paglabag sa RA No. 10591 otherwise known as the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act,ang mga suspek sa Paranaque Prosecutors Office.














