Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na katao na kinabibilangan ng dalawang lalaking carnapper, isang babae at ang lalaking buyer ng tinangay na motorsiklo sa sunod -sunod na follow-up operation,kamakalawa sa Maynila.
Kinilala ni PLt Col Romeo Estabillo, hepe ng District Tactical Motorized Unit ng MPD, ang mga suspek na sina Ronan Rex Mejos, 32 , principal mastermind na kapatid ng complainant ng Kahilum 2 Pandacan ; Ivan Chris Balderama, 34, ng San Andres Bukid ; Jean Isaac Bautista, dating Food Panda driver ng Makati City at John Renie Ignacio, 30 , driver, ng Anakbayan San Andres, Maynila na umano’y nakabili ng nakaw na motorsiklo.
Nabatid na alas- 2:48 ng hapon nang tangayin ang motorsiklong Honda Click 125 CC na kulay itim sa harapan ng Sto.Niño Church sa Jesus Street sa Pandacan nitong Martes na pag-aari ni John Jigs Mejos ng Kahilum 2 , Pandacan.
Ayon kay Estabillo, habang nagsasagawa ng pagpapatrulya ang kanyang mga tauhan sa area na sina Police Staff Saergeant Antonio Macawili at Police Corporal Jeffrey Salazar sa Pandacan, nang humingi ng tulong ang complainant makaraang tangayin ng mga suspek ang kanyang motorsiklo.
Sa pamamagitan ng testigo sa loob ng Manila South Cemetery ay unang natimbog si Bautista hanggang sa itinuga na nito ang kanyang mga kasamahan at maging ang buyer ng motorsiklo na si Ignacio.
Nasa kustodiya na ng MPD- Anti- Carnapping Unit,ang mga inaresto. (Jantzen Tan)