APAT na katao ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District -Station 5 sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Intramuros,Maynila.
Kinilala ng MPD-PS5 ang mga naaresto na sina Victoriano San Joaquin,54,alyas Boss; Alvin Santos,36, construction worker; Jenelyn Mendoza,43; and That Lumabao,40.
Naaresto ang mga suspek alas- 12:15 ng madaling araw sa kanto ng A. Soriano Street at Bonifacio Drive, Brgy.655, Intramuros, Maynila.
Ayon sa pulisya,nakatanggap sila ng sumbong.kaugnay sa bentahan ng mga iligal na droga sa lugar kaya nagkasa ng buy-bust operation, dahilan para maaresto ang mga suspek .
Nakumpiska ng mga pulis ang may 125 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P850,000.
Samantala, sinampahan ng kasong paglabag sa Sec 5 at 11 ng RA9165 ang mga suspek sa Manila Prosecutors Office.














