Inaresto ng mga ahente National Bureau of Investigation – Cybercrime Division ang apat na katao na nag-aalok ng pag-proseso ng late birth registration at annulment ng walang court appearance.
Napag-alaman na ang mga suspek ay naaresto sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Quezn City at Pasay City kasunod ng reklamo ng Supreme Court (SC) na may mga abogado at judges na sangkot sa naturang scheme.
“Yung mga nahuli natin, nago-offer sila ng 100% legit annulment process, non-appearance. As long as you’re willing to pay P350,000, wala ka nang gagawin. Maghihintay ka nalang, ipro-process nila, ibabalik sayo ang document [at] tapos na,” ayon kay NBI Cybercrime Division chief Jeremy Lotoc.
May pinapakita,umano ang mga naaresto na mga tunay na dokumento na galing sa korte kung saan naka-assign talaga ang.mga abogado at judges.
“Alarming [ang late birth registrations] in the sense na based on our intelligence, may mga foreigners na gumagamit ng local mules. Ito yung magaapply ng late registration. Pag nakuha na nila yung documents, ang mag-utilize nito yung mga foreigners allegedly. Pwede ka na makakuha ng barangay clearance, municipal clearance, at the same time pwede na itong maging starting process. Halimbawa, kung gusto mo kumuha ng passport,”dagdag ni Lotoc.
Naka-detine ngayon sa NBI Detention Facility sa Bilibid ang.mga suspek na in relation to Cybercrime and Computer-related Forgery.