APAT, ARESTADO SA PASAY SA EXTORTION

By: Baby Cuevas

Apat na katao ang aestado ng mga National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division sa kasong Robbery Extortion kamakailan sa Pasay City.

Kabilang sa mga inaresto sina Roberto G. Albaña Jr., Avelino D. Gueta Jr., Junroso E. Bansil at Danilo P. Abacaro .

Ang kaso ay na- ugat mula sa reklamo ng isang South Korean National na ang mga suspek ay nanghihingi ng P2 milyon at nagbabanta na ipadi-deport ang pinsan ng complainant kung hindi ibibigay ang hinihingi na P2 milyon.


Ayon sa salaysay ng complainant,ang grupo ay pinamumunuan ng isang “Atty. Mark Barizo” at nagpakilala sila na taga Office of the President (OP) at Bureau of Immigration (BI).

Nagsagawa umano ang NBI ng beripikasyon sa website ng Supreme Court (SC) kung saan hindi lumabas sa roll of attorney ang pangalan na “Mark Barizo” kaya kaagad na nagkasa ng entrapment operation kasama ang NBI-Homicide Division at International Operations Division na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek noong Mayo 27,2024.


Nakakumpiska ang NBI sa mga suspek ng ilang armas,bala at ID sa ilalim ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA).

Samantala, isinailalim sa Inquest proceedings sa Pasay City Prosecutors Office ang mga suspek sa kasong robbery extortion.


Tags: National Bureau of Investigation - Human Trafficking Division

You May Also Like

Most Read