Latest News

Apat, arestado ng NBI sa pamemeke

By: Baby Cuevas

Apat na katao ang arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation -Special Task Force (NBI-STF) dahil sa pagiging sangkot umano sa pamemeke ng.mga dokumento, sa isinagawang operasyon, kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ni NBI Director Judge Jaime B. Santiago, ang mga naaresto na sina Paul Christian Abellera, Edgardo Carpio, Jenny Bade Trajano at isang menor de edad.


Ang mga suspek ay sangkot umano sa pamemeke ng dokumento gaya ng NBI clearance, land titles, passport, at iba pang dokumento.

Ang mga pekeng dokumento ay binabayaran umano sa halagang P700 hanggang P2500 kada isa.

Napag-alaman na nagsagawa ng surveillance at test-buy operation ang NBI at nang makumpirma ay ikinasa ang entrapment operation noong Oktubre 14.


Nakumpiska sa.mga suspek ang computers, office tools at mga pekeng dokumento gaya ng NBI Clearance, PSA Certificate, land titles at LTO Certificates.

Samantala, ang mga suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Article 172 in relation to Article 171 ng Revised Penal Code, as amended, sa Manila Prosecutors Office.


Tags: NBI Director Judge Jaime B. Santiago

You May Also Like