NASAWI ang apat na katao habang dalawa naman ang sugatan sa landslide na naganap sa Antipolo City noong Miyerkules.
Lumitaw sa ulat ng Bureau of Fire Protection ng Antipolo City, ang mga biktima ay pawang construction workers na naglilinis sa retaining wall na kanilang ginagawa sa Fairmount Hills Subdivision sa Brgy. Dela Paz.
Ayon sa pahayag ng mga rumespondeng miyembro ng BFP Antipolo City, dalawa katao ang nailigtas nila sa isinagawa nilang dalawang oras na rescue operation habang ang apat na iba pa tuluyang natabunan sa ilalim ng gumuhong lupa at putik.