Latest News

Anti-viral pill Paxlovid, binigyan na ng FDA ng EUA

INAPRUBAHAN na ng Food and Drug Administration (FDA), ang emergency use authorization (EUA) para sa Pfizer anti-viral pill Paxlovid.

“Masaya ko pong ibinabalita sa inyo na naaprubahan na po namin ang Paxlovid kahapon ,”kumpirmasyon ni FDA Director Oscar Gutierrez sa Laging Handa briefing.

“So dalawa na po ang oral antiviral treatment natin against COVID-19: Paxlovid and Molnupiravir,” dagdag ni Guttierez.


Lumabas sa mga isinagawang clinical trial na pinabababa ng.Paxlovid ang tsansa na maospital o mamatay nang 90% kapag ito ay ininom ilang araw matapos lumabas ang sintomas ng virus.

Nabatid na ang Bexovid ay ang mas murang bersiyon ng Paxlovid na binigyan ng compassionate special permit noong Enero.


Kasabay nito ,sinabi ni Guttierez na may isa pang gamot mula sa Bangladesh na Molenzavir ang inaprubahan ng FDA noong Enero. (Jaymel Manuel)


Tags: Food and Drug Administration (FDA)

You May Also Like

Most Read