Nanumpa ai dating Interior Secretary Eduardo Año takes bilang bagong National Security Adviser ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ,kapalit ni Clarita Carlos.
Si Año ay nanumpa.mismo kay Marcos sa Malakanyang.
Ayon sa Presidential Communication Office(PCO) si Carlos ay naging bahagi ng House of Representatives’ Congressional Policy and Budget Research Department.
“I have realized that it is no longer politic to continue as NSA to the President. I have decided to migrate to another agency where my expertise on foreign, defense and security policy will be of use and I shall continue to help build a better Philippines,” ani Carlos.
Naging kontrobersiyal si Carlos bilang NSA matapos niyang sabihin sa ‘Laging Handa’ briefing na interesado ang China na.maging ka-partner ng mga mangingisda ng Pilipinas at ibinulgar din niya ang plano ng anti-insurgency task force ngayon taon.
Kinuwestiyon din niya ang.inilaang budget sa NTF-ELCAC ngayong taon nang ibaba ito sa P6.3 bilyon mula sa orihinal na P10 bilyon.
Kaugnay nito,ang appointment ni Año,na dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief , ay nangyari.matapos ang pagpapalit ng liderato ng AFP at Department of National Defense (DND) noong nakalipas na linggo. (Jantzen Tan)