HINDI talaga nagsasawa ang magazines na i-festure si Anne Curtis.
Imagine halos lahat ng magazine cover noong buwan ng January 2024 ay ang mukha ng Fil-Am TV host/actress ang makikita.
Kesehodang maglaban-laban ang mga magazine na iisang face cover ang binebenta.
Ani Anne sa kanyang IG post: “That one time in Seoul before the month ends. Thank you @lofficielph for making me for making me your Dec-Jan cover girl wearing fresh off the runway @gucci looks. Love all of these photos so much.”
Ang kaibigan niyang si Isabelle Daza ay nagkomento na “lakwatchera.”
Marami namang magagandang komento na binigay ang netizens sa TV host.