NI BETH GELENA
IKINAKILIG ng Pinoy K fans ang balitang finallow ng Korean actress na si Song Hye Kyo ang Instagram account ng Pinay actress na si Anne Curtis.
Nagkita ang dalawang aktres sa Seoul noong um-attend ang mga ito sa wedding ng modelong si Irene Kim kung saan naroroon din si Bryanboy at Kim Jones.
Ayon sa fans, sobrang ina-admire ni Anne si Hye Kyo lalo na nang sabihin ni Park Bo Gum nung dumalaw ito sa Pinas years ago na ka-look alike ng TV host/actress ang Korean star.
Wish ng netizens na magkaroon ng collaboration ang dalawang aktres dahil sa kanilang unexpected connection between the two fashion-forward celebrities.
Ani ng isang netizen: “Hye kyo is now following anne curtis on instagram goddesses, im so happy for you @annecurtissmith.”
Ang larawan ng apat — Anne, Song Hye Kyo, Bryanboy at Jones — ay nagkaroon ng interaction sa fans.
Sana raw ay ito na ang maging umpisa ng kanilang professional collaboration at tiniyak nilang susuportahan nila ang parehong big stars Korea at Pilipinas.














