NASAWI ang anim na katao nang gumuho ang isang pader sa isang construction site sa Barangay Kaybagal Central, Tagaytay City Lunes dakong 6:20 ng gabi.
Ayon kay Philippine National Police spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, “As of 12:45 p.m., the last remaining body was already recovered. All accounted na po.”
Sinabi naman ni Tagaytay City Police chief Police Lieutenant Colonel Norman Rañon, “Walo kasi lahat ng biktima natin. Tatlo ang na-retrieve na, dalawa doon ay stable pa ang condition, isa ang dead on arrival sa ospital.”
Ang mga biktima ay naiulat na nasa kanilang barracks ng 3-13 Construction nang gumuho ang pader ng Hortaleza Farm dahil sa pag-ulan.
Nadaganan ang mga biktima na nagresulta sa kanilang kamatayan.