Latest News

ANIM NA VACCINE BRANDS, NAAPRUBAHAN PARA SA 2ND BOOSTER SHOT

INAPRUBAHAN na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang ’emergency use authorization (EUA) ng anim na brands ng COVID-19 vaccines para magamit na ikalawang shot ng booster na ibibigay sa mga kuwalipikadong Pilipino.

Kinumpirma ni Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Myrna Cabotaje na kabilang sa mga gagamiting bakuna ay ang Pfizer-BioNTech, Moderna, Sinovac, AstraZeneca, Sputnik Light, andt Janssen vaccines.

Maaaring maibigay ang ikalawang booster shot may apat na buwan makaraang makatanggap ang benepisaryo ng kaniyang unang booster. Prayoridad dito ang mga health workers, senior citizens, at mga immunocompromised.


“Gagawin natin sa National Capital Region (NCR) muna…then we will expand nationwide,” ayon kay Cabotaje.

Sa kasalukuyan, nakatigil muna ang implementasyon nito habang hinihintay pa ng pamahalaan ang resulta ang dagdag na pag-aaral at rekomendasyon ng health technology assessment council (HTAC).


Target ng NVOC na maumpisahan na ito pinakamaaga sa katapusan ng kasalukuyang linggo o sa umpisa ng susunod na linggo.

Inamin naman ng opisyal na bumagal na ang ‘booster vaccination’ na nas a12.6 milyon pa lamang ang nabibigyan. Kailangan umanong mapataas nila ito sa nalalabing buwan ng Abril at Mayo hanggang Hunyo bago bumaba sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte. (Jaymel Manuel)


Tags: Food and Drugs Administration( FDA)

You May Also Like

Most Read