ANIM na sugatang sundalo ng Philippine Army’s 94th Infantry “Mandirigma” Battalion ang tumanggap ng medalya ng pagkilala mula sa mataas na pamunuan ng Armed Forces of the Philippine at Secretary of National Defense dahil sa kanilang ipinakitang kagitingan sa sunod sunod na sagupaan laban sa CPP-NPA-Terrorist sa Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental.
Pinangunahan nina DND Senior Under Secretary Jose Faustino Jr. ang paggawad ng “Wounded Personnel Medal” (WPM) kasama sina LTGEN Bartolome Vicente Bacarro PA, Chief of Staff, AFP; LTGEN Romeo S Brawner Jr. PA, Commanding General, Philippine Army; MGEN Benedict M Arevalo PA, Commander, 3ID at BGEN Inocencio Pasaporte PA, 303rd Infantry Brigade Commander sa ginanap na simpleng seremonya sa isang hospital sa Bacolod City .
Binigyang pagkilala ni Usec. Faustino Jr. ang katapangan at hindi matatawarang dedikasyon ng mga tauhan ng 94 Infantry Battalion sa pangangalaga at pagbibigay seguridad sa mga mamamayan ng Himamaylan City laban sa mga terroristic activities ng communist New Peoples Army.
Pinapurihan din ni MGen Benedict M Arevalo, Commander, 3ID, ang kabayanihan ng mga sugatang sundalo na itinaya ang kanilang buhay para sa kapayapaan sa Negros.
“These medals will remind us of the bravery and heroic deeds you have displayed for the people of Negros Island to continue living in peace. Your gallantry will also motivate us to continue our quest in ending the local communist armed conflict to fulfill the Negrenses’ fervent desire for a CPP-NPA-free community,” ani MGen Arevalo.
Magugunitang may dalawang sundalo ang nasawi habang anim naman ang nasugatan kasunod naganap na mga sagupaan laban sa CPP-NPA-Terrorists sa Barangay Carabalan, Himamaylan, mula October 06 – 08, 2022. (VICTOR BALDEMOR)














