ANIM na indibiduwal na nagpanggap umano bilang mga empleyado ng Department of Budget and Management (DBM) ang dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang entrapment operation sa Mandaluyong City.
Nahaharap ngayon sa kasong estafa at usurpation of authority sa Mandaluyong Prosecutor’s Office ang mga inaresto na sina Flordelisa Springael Almodal , Jocelyn Estanislao Constantino,Theresa Marie Reyes, Mercy Yñgoc Limbo,Marie Ann Yñgoc Baculo at Ronnie Virata Tan.
Ayon sa reklamo ng isang contractor sa NBI, nanghingi umano ang mga suspek ng halagang P500,000 kapalit ng kontrara para sa P1. 3 bilyon proyekto ng isang dam. Peke rin umano ang nasabing proyekto.
Lingid sa kaalaman ng.mga suspek,nagtungo ang biktima sa NBI-OTCD para magsagawa ng imbestigasyon.
Ikinasa ang entrapment operation at sa aktong tinatanggap ang mga marked money ay saka inaresto ang anim.