Latest News

ANIM NA HINIHINALANG FOREIGN SPIES, INARESTO NG AFP AT NBI

By: Victor Baldemor Ruiz

KINUMPIRMA kahapon ng Department of National Defense (DND) na nagsagawa ng joint law enforcement operation ang composite team mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na nagresulta sa pagkaka- aresto sa anim na banyaga at dalawang Pilipino sa bisa ng inisyung warrant of arrest ng korte.

Ayon sa inilabas na impormasyon ng DND, kabilang sa mga nahuli ang limang Chinese, isang Cambodian at dalawang Pilipino dahil sa paglabag sa Securities Regulation Code at Cybercrime Prevention Act.

Target ng warrant of arrest ang isang Chinese national na kinilalang si Qiu Feng, na ang tunay na pangalan ay Ye Tianwu (o Qing Feng) kamakalawa ng umaga sa Grande Island sa Subic.


Bukod kay Ye Tianwu, dinakip din sa hinalang pange-espiya at kidnapping na may kaugnayan sa POGO operations sina Xu Xining; Ye Xiaocan; Su Anlong at He Peng, kasama ang Cambodian na si Ang Deck/Dick at dalawang Pinoy na kinilalang sina Melvin Mañosa Aguillon, Jr. at Jeffrey Espiridion, na tauhan ni Ang Deck/Dick.

“The arrest exposes the unlawful nature, including suspected espionage and kidnapping activities related to Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), for which some foreign nationals are using Grande Island under the guise of private enterprises,” ayon sa DND.


“Such activities, which may be part of larger criminal network operations, pose a serious threat to our national security,” pahayag pa ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa.

Na-rekober sa kanila ang mga cellphone, laptop, isang 9mm baril at 16 na bala. Babala ng DND, ang ganitong aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) ay banta sa pambansang seguridad.


Pinag-aaralan ngayon ng DND na ideklarang military reservation ang Grande at kalapit na Chiquita Islands upang maprotektahan ang Subic Freeport Zone, Riviera Wharf at Subic Bay International Airport.

Tags: Department of National Defense (DND

You May Also Like

Most Read