ANIM NA FISHERMEN TATLONG ARAW NAGPALUTANG-LUTANG

By: Victor Baldemor Ruiz

GUTOM at pagod nang matagpuan ng mga tahan ng Philippine Navy (PN) ang anim na mangingisda na tatlong araw nang ‘stranded’ sa laot, matapos masiraan ng makina ang kanilang bangka sa Davao Gulf.

Sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, may anim na mangingisda ang nasagip ng kanilang mga tauhan sa dagat sakop ng Davao.


Base sa isinumiteng report, kamakalawa habang nagsasagawa ng routine patrol ang BRP Herminigildo Yurong (PG 906) ay namataan nila ang ang palutang-lutang na fishing boat na F/B Lydia 00na nasa 2.7 nautical miles mula sa Kaganuhan Point, Governor Generoso.

Agad naman silang sinaklolohan ng PN kung saan pinainom at pinakain ang mga nasagip na mangingisda bago dinala sa pinakamalapit na ospital.

Ayon sa kapitan ng bangka, nagmula sila sa General Santos City patungong Mati nang magkaroon ng aberya ang makina ng sinasakyan nilang fishing boat.


Tags: Philippine Navy (PN)

You May Also Like