Anim katao, arestado ng NBI sa investment scam

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ,ang anim na opisyal ng ng 17 Global Corporation (17 Global) na sangkot sa investment scam,kamakailan sa Quezon City.

Kinilala ni NBI OIC-Director Eric Distor , ang mga suspek na sina Florentina Sapala, CEO/Presisent; Alvin Soriano ,VP Salea for Luzon ;Alexander Duran , VP-Sales for Mindanao; Christian Sales, VP-Marketing; Jane Vergacer, Assistant Finance Manager; at Wilfredo Pogoso, Mentor, at pawang taga I7 Global Corporation.


Ayon kay Dustor,nag-ugat ang operasyon mula sa impormasyon natanggap ng NBI-AOTCD, kung saan ang I7 Global ay nag aalok ng sale investment securities sa publiko ng.walang lisensiya mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Sa inisyal na imbestigasyon nalaman sa pamamagitan ng I7 Global Facebook account ng.mga opisyal ng kumpanya na nagkaroon ng business presentation noong May 14, 2022 ng alas 6 ng gabi sa Ortigas Center, Pasig City.

Dumalo ang ilang ahente ng NBI na nagpanggap na intresado sa busineaa preaentationUndercover Agents of NBI-AOTCD attended the business presentation.


Nadiskubre ng mga undercover agent ang iniaalok na.packages ng I7 Global,kabilang sa packages ay anh Package A, kasama ang (2) bottles ng i-Glutagen at 5bottles ng i-C Plus.

Tiniyak mg.mga opisyal mg 17 Global.na.nakarehisteo ang kanilang produkto sa e Food and Drugs Administration (FDA).


Isa sa undercover agents ang bumili ng investment packages sa halagang P8,777 at sito na inialok ni Soriano ang investment oppprtunity sa halagang P1 milyon na kikita umano ng 1% kada.6 na buwan.

Sa isinagawang beripikasyon ng NBI nabatid na ang ipinamamahaging produkto ng 17 Global ay hindi nakarehistro sa FDA.


Gayundin,nag-isyu ng sertipikasyon ang Securities and Exchange Commission (SEC) na ang I7 Global ay hinsi inisyuhan ng lisensiya na umakto bilang investment company at maging sina Sapala,Cordova,Soriano at Duran at ang ibang opisyal ng kumoanya ay hindi inisyuhan ng Certificates of Registration o Licenses bilang capital market professionals.

Naaresto ang.mga suspek nang pumasok sa bitag ng mga uncover agent kung saan pumayag na makipakita si Soriano para kunin ang umano’y P3 milyon halaga ng investment sa 19 Cliff Drive, Blue Ridge A, Quezon City noong Mayo 20, 2022.

Nang tanggapin ang marked.money dito na inaresto ang 6 na suspek.



Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code (RPC) in relation to Section 1 of P.D. 1689 (Syndicated Estafa); Violation of Section 11(a) and (k) of R.A. 3720 as amended by R.A. 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) in relation to Section 6 of R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012); and Violation of Section 8.1 of R.A. 8799 (Securities Regulation Code of the Philippines) in relation to Section 6 of R.A. 10175,ang mga suspek sa Quezon City Prosecutors Office. (Carl Angelo)

Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read