Latest News

ANIM, KABILANG ANG 2 BATA, PATAY SA SUNOG SA SAMPALOC

By: Baby Cuevas

Anim na katao ang nasawi, kabilang ang dalawang bata, sa naganap na sunog sa isang residential building kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP) ,ang mga biktima ay dalawang pamily, kung saan ang tatlong bangkay ay natagpuan sa ikalawang palapag ng bahay at ang iba ay sa ground floor.


Ang residential building ay pag-aari ni Nida Rivera Polo at inookupa Ng kanyang pamilya.

Nabatid na nagsimula ang sunog alas 2:40 ng madaling araw sa kasarapan ng tulog ng mga biktima, na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang ‘fire ou’t alas- 4:24 ng madaling araw, sa apat na palapag na residential building na matatagpuan sa Laong; Laan corner Blumentritt Road.

Napag-alaman na nahirapan ang mga bumbero at fire volunteers na makapasok sa apektadong lugar dahil sa makitid ang daan, kung saan isang tao lamang ang kasya na dumaan.


Bumigay ang ikalawang palapag na gawa lamang sa kahoy at bumagsak sa ground floor.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like