Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City — Huli sa akto ang anim na katao sa pagtutulak ng iligal na droga, sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang operatiba ng PNP-Bicol at PDEA- ROV, dakong alas-12:10 ng madaling araw nitong Hulyo 21,2022 sa Wacky’s Resto Bar corner Ramon Santos, Peñaranda Street, Brgy. Orosite, Legazpi City.
Ang mga suspek ay kinilalang sina Ryan Rivero y Madrideo ang itinuturing na drug den maintainer kasama ang lima pang naabutan ng mga otoridad sa lugar na sina Jeven Jamulin y Magalona; Anthony Benitez y Alcera; John Roy Alilano y Apinado; Kobe Cordivilla y Morillo; at Josa Bulawan y Esteves.
Nakumpiska mula sa mga ito ang siyam na pakete ng pinaghihinalaang “shabu” na tumitimbang ng 15 gramo at nagkakahalaga ng P102,000.
Sila rin ay nasa kustodiya ng PDEA ROV para sa kaukulang disposisyon. Nahaharap rin ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Ang PNP Bicol ay patuloy ang pakikipag-ugnayan sa PDEA ROV para sa isasagawang operasyon na nagnanais masolusyunan ang problema sa paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa rehiyong Bicol. (VICTOR BALDEMOR)














