Arestado ng National Bureau of Investigation – Environmental Crimes Division (NBI- EnCD) ang anim na kataong sangkot sa iligal na pagmimina at quarryingsa Barangay Maambog, Hermosa,Bataan.
Kabilang sa mga inaresto ng NBI- EnCD sina Domingo,Saldy Adelantar,Rio Bueno, Mark Anthony Santos,Arjay Mamalalateo at Christopher Alba.
Ayon sa NBI-EnCD, nakatanggap sila ng sumbong kaugnay sa talamak na pagmimina at quarrying sa lugar sa kabila nang wala itong permit mula sa Provincial Mining Regulatory Board of the Province of Bataan at sa Department of Environment and Natural Resources- Mines and Geosciences Bureau Region III (DENR-MGB-Region III).
Nagsagawa. muna ng surveillance ang. mga awtoridad at nang makumpirma ang iligal na. pagmimina ay saka naglunsad ng. operasyon laban sa MAXPHIL WORLD MANAGEMENT DEVELOPMENT INC. na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek
Sinampahan ng kasong illiegal quarrying sa ilalim ng Sec 103 (Theft of Minerals) of R.A. 7942 (Philippine Mining Act of 1995),ang mga naarestong indibiduwal sa Office of the Provincial Prosecutor, Balanga City, Province of Bataan.