Patay ang isang di pa nakikilalang Angkas rider habang walang malay ang pasahero nito matapos na mabangga ng isang Subaru Forester,ang sinasakyang motorsiklo kahapon ng.madaling araw sa Remedios,Malate,Maynila.
Ayon sa sketchy report ng Manila District Traffic Enforcement Unit(MDTEU) naganap ang insidente alas 2:05 ng.madaling araw sa northbound ng Taft Avenue corner Remedios St.Malate.
Nabatid na nakalabas umano ang driver ng Subaru na may plakang AMC 528 na si Matthew Asher,20,estudyante bago nasunog ang sasakyan.
Sa inisyal na imbestigasyon binabagtas ni Asher ang northward ng kajabaan ng Taft Avenue,Malate nang pagsapit sa nabanggit na lugar ay nabangga ni Asher ang kanang bahagi ng motorsiklo ng biktima .
Sa lalas ng impact bumagsak ang Angkas driver at nakasakay na pasahero sa motorsiklo.
Kapwa isinugod ang mga biktima sa Philippine General Hospital(PGH) pero idoneklarang dead on arrival (DOA) ang rider habang walang malay ang kanyang kaangkas.