TULOY sa pagyo-yoga si Angelica Panganiban sa kabila ng kanyang sciatica.
Sa kanyang IG story ay nag-post ng picture ang aktres ng kanyang yoga mat.
Hindi siya nagpapigil sa kabila ng kanyang dinaranas na sciatica, isang sakit ng pamamanhid, panghihina at pananakit ng binti.
Say ni Angge: “After 2 months I was able to do yoga again. Sciatica ka lang! Si Angge ako.”
Sa kanyang vlog noong hindi pa siya nanganganak, humiling si Angelica sa kanyang partner na si Gregg Homan na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis.
Ayon kay Gregg, matagal pa naman daw yun pero okay naman sa kanya na gawin ‘yun para kay Angge.
Meaning, parang gusto na agad sundan ni Angelica ang anak nila ni Gregg na turning one year old na sa September.