ANG pelikulang “Ang mga Kwento ni Ella” ay prinoduce ng Cinemyr Films at RLTVEntertainment Productions at pinagtulungang idirek ng magaling na direktor na sina Direk Edmer Guanlao at Direk Ronald Abad, na miyembro ng Kapisanan ng Direktor ngPelikulang Pilipino (KDPP).
Very successful and dalawang direktor sa paggawa ng digital series na napapanood sa Facebook at YouTube.
Marami nang naipapalabas sa social media platforms ang Cinekwento ng Cinemyr Films kung saan ang mga istorya ay hango sa tunay na buhay.
Hindi sila yung basta lang may maipalabas na content, kundi kumukuha rin sila ng mga artistan para gumanap characters ng kanilang storya.
Hindi nga lang sa mainstream ang kanilang pelikula dahil ang social media ang kanilang platform.
May punto naman si Direk Edmer dahil ang mahal na nga naman ng bayad sa mga sinehan.
Pero ayon sa direktor hindi nila intensyon na patayin ang big screen.
Iba daw kasi ang sa big screen kasi isang bagsak ang panonood samantalang ang sa kanila ay masasabing movie series ito or to br continued.
Tulad nitong ‘Ang Mga Kwento ni Ella’ na may apat na episodes at si Direk Abad ang nagsilbing creative director.
Ang 11-anyos na si Ella Ecklund ang bida sa apat na iba’t ibang istorya ng buhay na talaga namang tatagos sa inyong puso dahil nakakaantig sa istorya ng buhay-pamilya.
Ang movie series na ito ay sa pakikipagtulungan ng executive producers na sina Eula Guanlao, Marietta Abud Ecklund at Gordon Ecklund Jr.
Mapapanood na ito simula sa first week ng September sa Facebook at YouTube channel ng Cinekwento.
Over hundred million combined organic views na ang nanonood sa Cinekwento produced by Cinemyr Films.














