Tinambangan at pinaslang ng mga suspek na riding-in-tandem ang no. 2 nominee ng Ang Bumbero Partylist(ABP) pagbaba sa kanyang Sports Utility Vehicle,alas- 6 Lunes ng gabi malapit sa kanyang bahay sa may P.Guevarra St. Sampaloc,Maynila.
Sa paunang ulat, alas- 6 ng gabi nang pagbabarilin ang biktimang si Leninsky Bacud, 2nd nominee at dating barangay chairman sa Sampaloc.
Naisugod pa si Bacud sa University of Sto.Tomas Hospital pero binawian rin ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa iba’t- ibang bahagi ng katawan. Nakpagbarilan pa ang.mga suspek sa rumespondeng pulis na kapitbahay ni Bacud.
Sa nakuhang impormasyon, kasama umano ni Bacud, ang isang miyembro ng ABP na si Si Jose Antonio Goitia ,1st nominee at naghiwalay lamang sila nang mahpasiyang umuwi na sila sa kani-kanilang bahay.
Kaugnay nito, sinabi ni PMajor Philipp Ines,hepe ng MPD Public Information Office, na patuloy umano ang isinasagawang imbestigasyon at hot pursuit operation.