ANDREA TORRES NAI-STAR STRUCK KAY BEA ALONZO

By: Beth Gelena

NAGKUWENTO si Andrea Torres ang experience niya noong makatrabaho si Bea Alonzo.

Masaya ang Kapuso actress dahil nagkaroon daw siya ng chance na makatrabaho ang dating Kapamilya star na Kapuso na rin ngayon.


Magkasama ang dalawa sa ‘Love Before Sunrise,” at sa isang panayam at nakuwento ni Andrea ang unang eksena nila ni Bea.

Say ni Andrea, may mga bagay daw siyang gustong gawin sa una nilang eksena, pero hindi raw niya nagawa.

“Nag-di-dream ka lang na makasama mo siya tapos ngayon kaharap mo na, may starstruck factor,” ani Andrea.


May time pa nga raw na gusto lang niya panoorin ang GF ni Dominic Roque.

Natutulala raw kasi siya at saka pa magsi-sink in sa kanya na kasama pala siya sa eksena.


“Siguro dahil sa rami na rin ng eksena namin together and she’s very nice. Nag-e-effort din siya na ma-feel ko na warm siya and hindi ako dapat ma-intimidate sa kaniya,” dagdag pa ni Andrea.


Tags: Andrea Torres

You May Also Like