Latest News

ANDREA INIS NA INIS DATI KAY KYLIE

By: Beth Gelena

Viral ang video birthday message ni Andrea Brillantes para kay Kyle Echarri na nag-celebrate ng kanyang 21st birthday last June 20.

Isa ang young actress sa um-attend at nahingan ng mensahe para sa birthday celebrant.

Na-capture ng Instagram Nice Print Photography ang speech ni Andrea.

Say ni Blythe: “Happy birthday sa yo. Kilala na kita since Showtime. Sa mga hindi nakakaalam isa sa first memory ko ay sa It’s Showtime, magkalaban kami sa dance contest inis na inis ako kasi siya ang nanalo. Pero mas maganda ang performance ko kasi mas dinibdib (sabay turo sa kanyang dibdib na kinatawa ng mga bisita ni Kyle) ko yun dinibdib ko talaga yun, pero mas ginawa ko naman ang best sa performance ko.”

“But I’m so happy for you kung nasaan ka na ngayon. Alam ko pinaghirapan mo yan. I’m happy for you mister bida. Bida na kasi siya e. I’m always here your friend. Happy birthday.”

Komento ng netizens: “Nakakakilig naman KyleDrea. Happy birthday Kyle Echarri.”

“Thank you @Niceprintphoto for sharing this video to us Kyledrea fans.”

Tags:

You May Also Like

Most Read