Sa vlog ni Vice Ganda ay nagkatsikahan niya ni Andrea Brillantes habang nagmemeryenda.
Maraming tanomg ang “It’s Showtime” host sa young aktres tulad ng kung nagsosoli ba siya ng mga niregalong gamit sa kanya ng nakarelasyon.
Say ni Blythe: “Hindi. Kasi binigay na yun eh.”
Pero hindi naman daw siya nagsisimental kundi nakaugalian na raw niya ‘yun.
Pero may isang bagay daw binigay ang boyfriend na hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Suggestion ni Meme Vice: “Di itapon mo kung ayaw mo ibalik o kaya ipamigay mo.”
“Ay ayoko nga. Ibebenta ko na lang may mapang-sho-shopping pa ako. Kasi kung ibabalik ko ipamimigay lang din yun sa iba, ” natatawang sagot ni Blythe.
Naikuwento rin ni Andrea na one month ay nag-travel siya sa Spain.
Dapat daw ay may kasama siyang mga kaibigan kaya nagpa-book din daw siya.
But in the end, hindi siya nakasama sa mga kaibigan.
Kaya nung maluwag na ang sked niya, sinabi ng kaibigan niyang mag-try siyang mag-travel mag-isa, which she did at nag-enjoy daw siya.
Tanong ni Vice: “Nangyari ba ‘yan nang hiwalay na kayo?”
“Yes. Ako naman kasi madali lang maka-move on. Enough na ‘yung one month akong parang na-stop na ang lahat pero hindi naman ‘yung tipong nag-iiyak sa isang tabi. Madali akong maka-recover,” paliwanag ni Andrea.
Type mo pa rin bang mag-boyfriend ng isang basketbolista?”
Sagot ni Andrea: “Hindi na. Kahit hindi siya basketbolista, pahinga muna ako Meme Vice. Pahinga muna ang puso ko.”