Andrea Brillantes at Sam Fernandez, officially dating na

ANDREA Brillantes turned 22 with a happy heart.

Ito ay matapos niyang kumpirmahin na sila ni Sam Fernandez ay nasa dating stage na.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, nag-post ang aktres ng kanyang birthday photos kung saan makikita na kasama at si Sam, kaya naman kinilig ang kanyang fans and follwers.


Marami ang nakakakitang magka-holding hands sina Andrea Brillantes at Sam Fernandez kaya lalong
lumakas ang ugong na sila na.

Bago pa ng kanyang birthday, inamin na ni Andrea na nagkikita na sila ni Sam dahil madalas na silang magkasama sa ilang mga okasyon tulad last Valentine’s Day kung kailan nag-date sila sa isang exclusive restaurant.


For her 22 birthday, isang hot photoshoot ang kanyang ibinahagi na may caption na “Birthday week!”

Si Samuel Fernandez Abu Hijleh or now known as Sam Fernandez ay isang Filipino-Jordanian na student-athlete mula sa Calamba City, Laguna.


Dating boyfriend ni Andrea ang basketball player na si Ricci Rivero pero nag-break sila in 2023.

Tags: Andrea Brillantes, Sam Fernandez

You May Also Like

Most Read