Latest News

Andrea ayaw na ng may ka-loveteam

By: Beth Gelena

AYAW na umano ni Andrea Brillantes na ma-type cast na may ka-love team.
Nasabi ni Andrea na mas mainam ang walang loveteam.
Hindi na umano niya nakikita ang sarili na mayroong kapareha dahil na rin sa kanyang career growth.
Nilinaw niyang personal niya itong pananaw at nirerespeto pa rin niya ang mga loveteam sa showbiz.
Sa kabila ng kontrobersiya, maraming pumupuri sa young actress sa  pagganap niya sa Senior High.
Aniya: “Mas nakikilala ko ang sarili ko bilang isang actress at mas madami akong puwedeng paglaruan at makatrabaho na bago. Kaya mas magandang mag-explore.”
“Ang dami ko nang napagdaanan sa shows na lagi akong may kapartner. Noong nagkaroon ako ng opportunity na pwede na akong maging solo artist, gusto ko na siyang i-explore. Ngayon, super ko na siyang nae-enjoy,” dagdag pa ng controversial young actress.
Nilinaw niyang naka suporta pa rin daw siya sa mga loveteam sa showbiz.
“Support ako sa love teams. Pero na-realize ko na I think it’s not for me to be paired up with someone. Personally, mas nakakakita ako ng personal growth kapag mag-isa ako. Pero support ako sa mga love teams. I have nothing against them. This is just my personal opinion,” say pa niya
Tags: Andrea Brillantes

You May Also Like

Most Read