ANDI EIGENMANN, WAGI NG 6TH PLACE SA QUEEN OF THE POINT WOMEN’S LONGBOARDING

By: Beth Gelena

NI BETH GELENA

Nasungkit ni Andi Eigenmann ang 6th place sa sinalihang Queen of the Point women’s longboarding competition sa Cloud 9, Siargao.


Ibinahagi niya ang kanyang kasiyahan sa Instagram at ipinagmalaki ang pakikipagkumpetensya kasama ang iba pang kababaihan.

Nagpasalamat din siya sa kanyang partner na si Philmar Alipayo at anak na si Lilo sa walang sawang suporta sa kanya.

Nagbigay din siya ng paalala sa mga baguhan sa surfing tungkol sa respeto sa lokal na kultura sa tubig.


Ipinamalas ni Andi ang kanyang galing sa surfing matapos makapasok sa finals ng “Queen of the Point” competition last weekend.

Sa kanyang post, proud na ibinahagi ni Andi ang mga litrato habang sinasakyan niya ang alon sa longboarding event na esklusibo para sa kababaihan.


“Stoooked! Made my first ever finals at Queen of the Point — Cloud 9! Placed 6th! Yiiw! Grateful beyond words to share the lineup with such powerful, inspiring women both from Siargao and from other parts of the world.”

Bukod sa kompetisyon, masaya ring inalala ni Andi ang after-party kung saan nagsama-sama ang surfers mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.


“Another special thanks to [@chepoxz] for lending his surfer hat to me and Lilo for this weekend,” say ni Andi.

Naging driver, surf coach, photographer, tagabitbit at cheerleader din daw niya si Philmar sa buong event.

Higit sa surfing, may mas malalim na mensahe rin si Andi para sa mga baguhan sa surfing community.“Respect is earned. Especially in the water. You don’t just demand respect from locals when you don’t even respect them at all,” aniya.



Ayon sa netizens, tila may pinatutungkulan si Andi.

Ramdam daw kasi ng mga ito sa kanyang mensahe ang matinding malasakit sa komunidad ng Siargao na kanyang minahal na.

Tags: Andi Eigenmann

You May Also Like