DINALAW si Andi Eigenmann ng kanyang grandparents na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil.
Biglaan ang pagbisita ng iconic celebrity couple sa Siargao island na ikinagulat ng aktres.
Sa Instagram, ibinahagi ni Andi ang ilang snaps nang pagbisita ng kanyang grandparents sa Siargao kasama ang half-sister na si Stevie Eigenmann.
Sa larawan, makikitang nag-eenjoy sina Rosemarie at Eddie habang nagsi-swimming sa pool kasama ang mga apo na sina Ellie, Lilo at Koa.
“Not to overshare, but I was ecstatic that my grandparents finally got to come visit Siargao all the way from the States, after 7 years of me living here,” say ni Andi.
Si family patriarch na si Eddie ay dating famous actor at singer noong ’70s na tinawag na Elvis Presley ng Pilipinas. Samantalang ang misis niyang Rosemarie ang best known for her portrayal of rich socialite-villainess roles sa TV man o movies.