Anak ni Zeinab, tinuturuan nang mag-basketball ni Ray Parks

By: Beth Gelena

MAY bagong post si Zeinab Harake sa kanyang Instagram ng photo ng boyfriend na si Ray Parks at ng anak niyang si Lucas.

Nilagyan ito ni Zeinab ng caption na: “Nagsisimula na po syang baguhin ang buhay ni @lucas.harake.”


Sa photo kasi ay tinuturuan ni Parks ng paglalaro ng basketball si Lucas.

Mukhang pursigido ang PBA cager na maging mahusay sa pagbabasketball ang bagets.

Sagot naman ni Ray sa post ng girlfriend: “Start ’em young.”


Samantala, maraming netizens ang nagtatanong sa dating girlfriend ni Parks na si Maika Rivera, ang former Girl Trends dancer -actress.

Sa tanong kay Maika kung ano ang masasabi niya sa relasyon ng ex at ng vlogger, aniya: “I’m sure matagal niyo na ‘tong hinihintay. ‘Tong question na ‘to. Pero, I’m genuinely happy for them. It doesn’t really matter what I think. “I’m happy that they’re happy. That’s it, happy for them.’


At hindi na siya nagbigay ng iba detalye.


Tags: Zeinab Harake

You May Also Like