Latest News

Anak ni Sec Remulla nagpasok ng “not guilty plea”

Nagpasok ng “not guilty” plea ang panganay na anak ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, sa Las Piñas Regional Trial Court,Branch 197 kaugnay sa kasong illegal possesion ng marijuana.

Si Atty. Jose Christopher “Kit” Belmonte, dating Quezon City representative, ang nagpasok ng plea kay Juanito Jose Diaz Remulla III sa ginanap na arraignment sa korte.

Gayunman, hindi na nagbigay nang anumang karagdagang detalye si Belmonte sa kaao

Magugunita na su Juanito ay inaresto sa kanyang bahay noong Oktubre 11 habang tinatanggap ang parcel mula San Diego, California USA na naglalaman ng 900 gramo ng kush o high-grade marijuana na nagkakahalaha ng P1.25 milyon na unang na-interceot sa Ninoy Aquino International Airport.

Nabatid na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Remulla.

Tags:

You May Also Like

Most Read