ANAK NG POLICEWOMAN, PATAY NA DIN NANG MATAGPUAN GAYA NG INA

By: Baby Cuevas

Nakita na ang walong-taong gulang na si John Ysmael “Maeng”, anak ni Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido na una nang napaulat na nawawala at kalaunan ay natagputang patay.

Ang bata ay natagpuan sa Bgy. Maluid, Victoria, Tarlac dakong 4 p.m. noong January 29, 2026. Ang katawan nito ay nakabalot sa plastic tape.


Bago niyan ay una nang natagpuan ang kaniyang ina sa Bulacan na nakasilid din sa garbage bag noong January 27, 2026.

Ayon sa ulat, ang mag-ina ay huling nakitang buhay matapos makipagkita sa isang ahente sa Quezon City noong January 16 sa isang ahente na bibili umano sana ng ibinebentang sasakyan ng pulis.

Sa imbestigasyon, nagkabilihan umano ng sasakyan sa halagang P450,000 na binayaran ng cash sa biktima.


Tags: Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido

You May Also Like