HULI sa ikinasang law enforcement operation ang isang retiradong pulis na inakusahang gumahasa ng 13 ulit sa anak ng kanyang kinakasama sa Barangay Cabug, Bacolod City.
Ayon kay Police Capt. Michael Tuburan, hepe ng Police Station 9, inilatag ng kanyang mga tauhan ang law enforcement operation laban sa ‘wanted’ na dating pulis na nahaharap ngayon sa 13 counts ng rape at acts of lasciviousness.
Ang 78-anyos na suspek ay may nakabinbin na warrant of arrest base sa ginawang pakikipag-ugnayan ng PNP Counter- Intelligence Division-Integrity Monitoring Enforcement Group (CID-IMEG) sa kanilang tanggapan kaugnay sa gagawing pagsisilbi ng arrest warrant laban sa suspek na dating Senior Police Officer 3 (SPO3) na nakatalaga sa Pangasinan.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang ikalalaya ng suspek.