PATAY sa pananambang ang isang opisyal ng Philippine National police at isang tauhan nito nang tambangan ng mga armadong kalalakihan habang nagsasagawa ng law enforcement operation na ikinasugat din ng tatlong pulis kahapon ng umaga sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao.
Ayon kay Brig. Gen. John Guyguyon, PNP Regional Police Director ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, patay sa ambush si Lt. Reynaldo Samson at kanyang security aide-slash-driver, Corporal Salipudin Endab, habang naglulunsad ng “One-Time-Big-Time” operation sa Ampatuan .
Sa ulat na ibinahagi ni Guyguyon , magsisilbi sana ng warrant of arrest si Samson at kanyang mga tauhan ng tambangan ng kanilang target Barangay Kapinpilan sa bayan ng bandang alas 9:40 ng umaga kahapon.
Nabatid na kasalukuyang umiiral ngayon ang gun ban sa buong Maguindanao sa kautusan ng Commission on Election kaugnay sa nakatakdang September 17 plebiscite ng isagawa ang ambuhed sa chief of police ng Ampatuan. (VICTOR BALDEMOR)














