Nakipagsanib ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Bureau of Customs sa pagsawata sa money laundering at terrorist financing sa Pilipinas.
Nabatid na nakipagpulong si AMLC Executive Director Matthew David kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Yogi Filemon Ruiz kamakailan para talakayin kung paano magkatuwang na susugpuin ang money laundering at skima ng pagpopondo sa mga terrorist group sa bansa.
Nabatid kay Comm. Ruiz na may itinatag ng BOC – AMLC Coordination Center sa BOC-Ninoy Aquino International Airport at isa pang coordination center ang itatatag din sa BOC Central Office para palakasin ang collaborative efforts sa pagitan ng dalawang ahensiya.
Ayon kay Executive Director David, ang AMLC ang magsasagawa ng pagsasanay at workshops para sa mga Deputized AMLC Financial Investigators (DAFIs) ng BOC para palakasin ang kanilang joint money laundering investigations sa lahat ng smuggling cases na ihahain ng BOC sa DOJ.
Dagdag pa rito ay magtatalaga ang AMLC ng kanilang point person para sa BOC para tiyakin ang tuloy tuloy na koordinasyon sa pagitan ng dalawang ahensya. (VICTOR BALDEMOR)














