Itinutulak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maamyendahan ang Republic Act 9165 kilala bilang Dangerous Drugs Act of 2002, para mas mapalakas ang batas laban sa mga nasa likod ng ipinagbabawal na droga sa bansa.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ito umano ang naging suhestiyon ng PDEA na kanyang sinuportahan dahil nananatili na ang gobyerno ay nakatutok sa paghabol sa mga organisado at malalaking grupo may kaugnayan sa iligal na droga.
“The DOJ supports the conduct of an executive review in light of the Philippine administration’s new direction to approach the drug problem through the prism of public health for persons who use drugs and small-time peddlers who got involved in low-level drug transactions due to health, social, and economic factors,” ani Remulla.
Ayon pa kay Remulla, magpupulong ang Inter-Agency Group para magsagawa ng pag-aaral at magbigay ng rekomendasyon para sa pag-amiyenda sa drug law.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr , sa mga law enforcement sa bansa na mag-focus sa mga drug syndicates sa halip sa sa mga maliliit na drug players lamang.